^

Metro

Fully vaccinated sa Maynila, higit na sa 100%

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humigit pa sa 100 porsyento  ang nabigyan ng 2nd dose  o fully vaccinated sa Maynila.

Batay sa ulat kay Manila Mayor Isko Moreno ni Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold Pangan, nabatid na nasa 714,065 na o 103.67% na ang fully-vaccinated na Manilenyo.

Sa kabuuan, nasa 1,838,976 ang na-administer na doses habang ang mga naturukan naman ay umabot na sa 1,163,718.

Paliwanag dito ng alkalde sa kaniyang text message sa mamamahayag, kaya lumagpas ang bilang sa itinakdang target ay dahil may mga vaccinees na hindi nakakuha ng kanilang 2nd dose sa itinakdang araw ang bumalik na at nagpabakuna noong Agosto 20.

Samantala ay pinapurihan ni Moreno ang mga social wor­kers at daycare workers na tumutulong kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso sa pamamahagi ng ayuda mula sa social amelioration program (SAP).

Sa ulat ni Fuguso sa alkalde, nabatid na ang kabuuang ayuda na naipamahagi na ay umabot na P1,160,788,000 sa ika-10 araw ng distribusyon nitong Agosto 20.

Sa kabuuang 380,000 pamilya na nakalista, 290,197 pamilya na ang tumanggap ng P4,000 bawat isa.

Kasabay nito, nabatid na malaki na ang ibinuti ng kalagayan ni Moreno na naka-confined sa Sta. Ana Hospital matapos matukoy na positibo sa COVID-19, ayon kay hospital director Dr. Grace Padilla.

vuukle comment

MHD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with