^

Metro

Grupo ng shoplifters na dumayo sa Maynila, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagwakas ang pambibiktima ng isang grupo ng shoplifters na dumadayo sa iba’t ibang supermarket makaraang masakote ang apat na suspek sa may Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mac David Cortez, 19; Summer Jean Reyes, 19; Hilda Calis, 47; at Rose Anna Gamueda, 30, pawang mga nakatira sa Acero Street, Brgy. Tugatog, Malabon City.

Sa ulat ng Sta. Ana Police Station ng Manila Police District, dakong alas-12:05 ng tanghali nang madakip ang mga suspek habang palabas ng isang supermarket sa may Pedro Gil St.

Ayon sa civilian security guard na si Joel Gabayan, nakita niyang tinangay ng mga suspek ang ilang items sa supermarket at diretsong lumabas ng hindi nagbaba­yad.  Dito niya kinompronta ang mga suspek at inaresto katuwang ang ibang security guard nang hindi makapagpakita ng resibo sa mga bitbit na items.

Narekober sa mga suspek ang backpack bag, tatlong car fresheners, at apat na lata ng chocolate powder drink na may kabuuang halagang P8,130.

Ayon sa pulisya, posibleng modus na nang grupo ang shoplifting at dahil mga taga-Malabon City ay posibleng dumarayo sila sa iba’t ibang supermarket para hindi sila mamukhaan ng mga security guard.

Nakadetine na ngayon ang mga suspek sa Sta. Ana Police Station Detention Cell at nahaharap sa kasong shoplifting sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

MAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with