^

Metro

Chemical weapon inabandona sa sasakyan sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Chemical weapon inabandona sa sasakyan sa Quezon City
Nabatid na isang “105mm projectile” na sinasabing isang uri ng chemical weapon ang natagpuan ni Sonny Libunao, 57, na iniwan ng ‘di kilalang lalaki sa loob ng kanyang Perry Mazda L300 habang nakaparada sa Kilyawan St., Brgy. Commonwealth.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang chemical wea­pon ang iniwan ng ‘di kilalang salarin sa nakaparadang sasakyan ng isang junkshop owner sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng tanghali.

Nabatid na isang “105mm projectile” na sinasabing isang uri ng chemical weapon ang natagpuan ni Sonny Libunao, 57, na iniwan ng ‘di kilalang lalaki sa loob ng kanyang Perry Mazda L300 habang nakaparada sa Kilyawan St., Brgy. Commonwealth.

Ayon kay Libunao sa Batasan Police Station 6 (PS 6), ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa naturang lugar upang kumain ng tanghalian. Gayunman, pagbalik niya sa sasakyan dakong alas-12:30 ng tanghali ay dito na niya nakita ang 105mm projectile kaya’t agad itong inireport sa pulisya sa pangambang sumabog ito.

Kaagad na rumes­ponde ang mga tauhan ng PS-6 sa pangu­nguna ni P/Lt. Novelson Maanao, at maingat na kinuha ang nasabing projectile at saka itinurn-over kay  PLt. David Gundayao ng  QCPD-Explosive Ordinance Division (EOD) para sa kaukulang safekeeping.

vuukle comment

CHEMICAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with