^

Metro

Skyway 3 isasara sa nonpeak hours

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Skyway 3 isasara sa nonpeak hours
Inisyal na binuksan ng SMC ang apat na linya ng 18-kilometer expressway noong Disyembre 29 kung saan nalibre ang mga motorista sa toll fees sa loob ng isang buwan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Para mapaghandaan ang opisyal na pagbubukas  ng Skyway 3 project sa Enero 14 ay kinaila-ngan muna itong isara ng Skyway management sa mga nonpeak hours simula kahapon hanggang sa Enero 13.

Pansamantalang  isasara ito mula alas-10 ng gabi hanggang alas- 4 ng madaling araw.

“We are working to make sure that the 18-kilometer north-south stretch of Skyway 3  will  be ready for official opening starting Janua­ry 14,” ayon kay San Mi­guel Corporation president at chief operating officer Ramon S. Ang.

Patuloy na magiging libre para sa mga motorista ang paggamit sa Skyway 3 project mula sa Buendia, Makati hanggang sa North Luzon Expressway bago  ito pansamantalang isi­nara sa mga nonpeak hours kahapon hanggang Ene­ro 13.

Kabilang sa mga tinatapos ay ang pag­lalagay ng mga street lamps para matiyak ang kaligtasan ng mga motoristang bumibiyahe ng gabi.

Inisyal na binuksan ng SMC ang apat na linya ng 18-kilometer expressway noong Disyembre 29 kung saan nalibre ang mga motorista sa toll fees sa loob ng isang buwan.

 

SKYWAY 3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with