Covid-19 Testing Center ng Marikina, hinahanap na ng angkop na lugar
MANILA, Philippines — Itutuloy ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang kanilang planong magtayo ng sariling COVID-19 Testing Center kung saan naghahanap na sila ng angkop na gusali para tugunan ang requirements na inilatag ng Department of Health (DOH).
Ito’y matapos na hindi aprubahan ng DOH ang kanilang testing facility sa City Health Office dahil bagsak ito sa sinusunod na standards sa ‘space at biosafety’, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang naturang molecular laboratory ay sa ilalim ng partnership ng University of the Philippines National Institutes of Health ay posibleng ilipat mula sa ika-anim na palapag ng City Health Office sa isang separate building.
“Kami naman ay umaasa na mapayagan tayo pagdating ng tamang panahon”, pahayag ni Teodoro.
Hindi inaprubahan ni DOH ang panukalang laboratory dahil sa kanilang pangamba na magkaroon ng cross-infection sa naturang gusali.
- Latest