Krimen bumaba sa enhanced community quarantine–PNP
Mga kriminal atras sa COVID
MANILA, Philippines — Bumaba ang criminality rate.
Ito ang binigyan diin ni Philippine National Police (PNP) deputy chief for operations Police Lt. General Guillermo Eleazar kasabay ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
“Bumaba ang criminality rate with the 1,300 checkpoint in placed all over Luzon and more than 10,000 personnel ay natulungan nating bumaba ang krimen,” aniya.
Subalit, sinabi ni Eleazar maaaring mabago pa ito depende sa sitwasyon at pakikipagtulungan ng publiko.
Dahil dito, nangako naman si Eleazar na papanatilihin ng PNP ang mahigpit na pagbabantay sa borders ng mga quarantine areas upang magtuloy-tuloy ang katahimikan at kaayusan sa lugar.
Ipinatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19.
Bilang bahagi nito, hindi papayagan ang pagpasok at paglabas sa mga border ng quarantine areas.
Suspendido rin ang lahat ng public transport at ibang trabaho. Mahigpit ding sinasabihan ang mga residente na manatili sa kanilang mga tahanan.
- Latest