Marikina ginawaran ng Seal of Excellence in Governance
MANILA,Philippines — Pinagkalooban ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng Seal of Excellence in Governance award ang Marikina City bilang pagkilala sa tagumpay nito sa pagpapanatiling malinis ang kanilang mga kalsada at mga bangketa mula sa iba’t ibang obstruction.
Si DILG Secretary Eduardo Año pa ang personal na nag-abot ng naturang parangal kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa isinagawang grand launching ng kanilang “Disiplina Muna” campaign sa Marikina Hotel and Convention Center, nitong Biyernes.
Kasabay nito, pinuri rin ng kalihim ang lungsod dahil sa pagiging huwarang lungsod pagdating sa kalinisan at pagkakaroon ng disiplina.
“The City of Marikina has been taking multiple initiatives in the road clearing efforts of the government through its consistent implementation of ordinances, regular provision of resources to the assigned task force and of course the inculcation of values to communities and students. Tunay na huwaran ang Marikina,” anang kalihim.
Labis naman ang pagpapasalamat ni Mayor Teodoro sa ipinagkaloob na pagkilala ng DILG sa kanila.
Nangako rin si Teodoro na higit pa nilang pagbubutihin ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga mamamayan.
- Latest