^

Metro

Private Emission Testing Centers, na namemeke ng emission test results, sinuspinde ng Department of Transportation

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Ipinasya ng Department of Transportation (DOTr) na suspindihin ang tatlong Private Emission Testing Centers (PETCs) nito makaraang matuklasang namemeke ng resulta ng isinasagawa nilang emission tests.

 Ayon sa DOTr, inisyuhan nila ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017), sa pamamagitan ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), ang mga naturang PETCs na kinabibilangan ng Prima Smoke Emission Testing Center, sa Balintawak St., Soledad, San Jose, Camarines Sur; Triple D Emission Test Center, sa Romulo Highway, San Vicente, Tarlac City at And 01 Emission Testing Center, sa Agora Poblacion, Tubod (Capital), Lanao Del Norte.

Epektibo umano ang suspensiyon laban sa mga naturang PETCs sa loob ng 90-araw o tatlong buwan. Kaugnay nito, nabatid na pinadalhan na ng DOTr ng kopya ng suspension order ang mga naturang emission testing centers.

 Inimpormahan na rin umano ng DOTr ang Information Technology (IT) Service Provider ng mga naturang PETCs hinggil sa suspensyon.

Binalaan din ng DOTr ang mga natu­rang IT Service Provider, na papatawan ng kahalintulad na parusa kung babalewalain ang kanilang kautusan, sa pamamagitan nang patuloy na pagproseso ng mga datos na isinusumite ng mga suspendidong PETCs sa kanilang tanggapan.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

PRIVATE EMISSION TESTING CENTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with