^

Metro

Ex-cop dinedo ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Isang 44-anyos na da­ting alagad ng batas ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang magka-angkas sa motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Sanhi ng tama ng bala sa ulo, dead-on-the-spot ang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) na si Darwin Cruzin, may-asawa at nakatira sa No. 2300 Tramo St., Brgy. 64 ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng Pasay City Police, alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng A. Arnaiz Avenue at Zamora St. sa Brgy. 60 Zone 7 sa Pasay City.

Sakay ang biktima ng ipinapasada niyang tricycle nang dikitan siya ng mga salarin na sakay ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing agad na pinagbabaril at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Edison St. na papuntang Makati City.

Blangko pa ngayon ang pulisya sa motibo ng natu­rang pamamaslang.  Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang isang napaputok na cartridge buhat sa isang kalibre .45 baril at isang slug.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang background ni Cruzin noong siya’y pulis pa at kung bakit siya naalis sa serbisyo.

TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with