^

Metro

DOTr, ikakalat K9 units sa MRT-3 at LRT stations

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr, ikakalat K9 units sa MRT-3 at LRT stations
Transportation Secretary Vince Dizon inspecting the K9 units in Clark, Pampanga on April 26, 2025.
Department of Transportation via Facebook

MANILA, Philippines — Mas maraming K9 units ang nakatakdang ikalat ng Department of Transportation (DOTr)  sa mga istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT).

Ang deployment ng mga K9 units ay kasunod ng pagtatanggal ng mga Xray scanners  sa mga istasyon ng MRT-3 at LRT.

Una nang inutos ni DOTr Secretary Vince Dizon na tuluyan nang alisin sa mga istasyon ng tren ang mga Xray scanners upang makatulong sa pagpapaikli ng pila ng mga pasahero.

Nabatid na Sabado ng gabi nang inspeksyunin ni  Dizon sa  K9 Facility ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Clark, Pampanga ang mga upang bomb-sniffing dogs, bago sila tuluyang i-deploy sa train stations.

Bukod naman sa pagpapakalat ng K9 dogs, magkakaroon na rin umano ang mga istasyon ng tren ng artificial intelligence (AI) enabled CCTV ca­meras, bilang bahagi ng pagsusumikap ng ahensiya na mabawasan ang pila ng mga pasahero nang hindi nalalagay sa alanganin ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with