^

Metro

Trapik sa Metro Manila, bahagya nang luluwag

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Trapik sa Metro Manila, bahagya nang luluwag
Ayon ito kay Metropoli­tan Manila Development Autho-rity (MMDA) EDSA Traffic Czar Bong Nebrija.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Inaasahang sa Lunes,  bisperas ng Pasko ay bahag­ya nang gagaan ang daloy ng trapiko  sa ilang lugar ng  Metro Manila dahil nakaalis na ang nasa libu-libong residente para magtungo sa mga probinsiya para doon ay ipagdiwang ang Kapaskuhan.

Ayon ito kay Metropoli­tan Manila Development Autho-rity (MMDA) EDSA Traffic Czar  Bong Nebrija.

Sabi ni Nebrija, inaasahang luluwag na ang daloy ng trapiko sa ilang lugar ng  Kalakhang Maynila maliban lamang sa identified chokepoints sa EDSA  tulad ng mga bus terminals  sa Pasay  at sa  Cubao,  Quezon City.

Kung saan ang iba aniya ay humahabol sa last minute shopping, sinabi ni Nebrija na hindi naman aniya ito ma­kakaapekto sa trapik, dahil ang talagang matinding trapik ay itong nakaraang mga ilang araw.

Ayon pa kay Nebrija,  ang average travel speed sa  EDSA ay magiging 25 kilo­meter kada oras.

Ngunit pinayuhan nito ang mga motorista na huwag dumipende sa sitwasyon ng daloy ng trapiko dahil posible aniyang magbago ang kondisyon nito kada oras.

vuukle comment

BONG NEBRIJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with