Mahigit 2,000 informal settlers sa QC, tatanggap ng tulong pinansiyal
MANILA, Philippines — May kabuuang 2,706 na informal settlers ang pagkakalooban ng Quezon City government ng tulong pinansiyal na tig-P5,000 para makatulong sa gastusin ng mga ito na pawang naapektuhan ng ginagawang housing project sa Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson sa lunsod.
Ito ay makaraang aprubahan ng QC Council ang City Resolution 7300-2017 na iniakda ni Councilor Donato C. Matias na layong maglaan ang lokal na pamahalaan ng P13.5 milyon para ipamahagi sa naturang mga benepisyaryo nito.
Ang ilan sa mga apektadong settlers ay ililipat naman sa National Housing Authority resettlement sites.
Bagamat ang proposed project site ay nasa low-lying and flood-prone, idinesenyo na itayo ang mga bahay sa ibabaw ng isang retarding pond. Ito ay makakatulong para maibsan ang pagbaha sa lugar partikular sa may Araneta Avenue sa QC.
- Latest