Parak, 3 pa, tiklo sa warrant
MANILA, Philippines – Isang bagitong pulis ang inaresto ng mga tauhan ng Northern Police District nang ihain ang warrant of arrest sa kasong iligal na droga, kamakalawa sa Malabon City.
Hindi na nakapalag sa mga tauhan ng Malabon City Police-Warrant and Subpoena Section si PO1 Ollan Alexis De Leon, 30, ng Sulucan Street, Brgy. Hulong Duhat, ng naturang lungsod.
Nahaharap ang pulis sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Jimmy Edmund Batara ng Malabon Regional Trial Court Branch 72 sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o “possession of illegal drugs.”
Samantala, nadakip rin sa magkakahiwalay na operasyon ng Northern Police District ang tatlo pang wanted sa batas na sina Jesus Yalung, 47, ng Jacinto Street, Marulas, Valenzuela City; Resty Canales, 42, ng Canduque, Daram, Samar; at Dennis Nuguid, ng Victoria Street, Maypajo, Caloocan City.
Nahaharap si Yalung sa kasong paglabag sa RA 7610 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; kasong rape kay Canales at Nuguid na may kasong qualified theft.
- Latest