^

Metro

2,466 Quezon City Jail inmates bawas sintensiya

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot sa 2,466 pre­song lalaki sa Quezon City Jail — Male Dormitory ang nabigyan ng benepisyo na makalaya ng maaga.

Ayon kay JO1 Michelle Dulce Matias ng Bureau of Jail Management and Penology Community Relation Service, ang naturang benepisyo ay mula sa bagong Good Conduct Time Allowance (GCTA) credit scheme na ibinahagi nitong nakaraang December 2015 kung saan naging rekord breaking ang bilang simula ng ipatupad ito sa buong kapulungan.

Sabi ni Matias, ang GCTA ay isang behavior credit scheme, base sa pag-uugali at asal na ipinapakita ng mga preso sa loob ng piitan. Dito ay binibigyan sila ng puntos o time allowance para mabawasan ang kanilang prison term. Naibibigay ang 20  puntos sa pamamagitan ng pagsali ng mga ito sa mga aktibidad tulad ng religious, educational, livelihood at behavioral activities.

Dagdag ni Matias, ang naturang benepisyo ay hindi lamang ipinatutupad sa kanilang ahensya kundi maging sa Bureau of Correction at sa lahat ng mga piitan sa bansa sa ilalim ng Republic Act 10592 na sinimulan noong nakaraang October 2013 ng hepe ng BJMP o ang Warden ng isang local jail para sa mga may mabuting pag-uugali ng mga preso at sa sandaling maaprobahan ang allowance ay hindi na ito maaring bawiin.

Sa ilalim ng Implemen-ting Rules and Regulations, ang BJMP ay bumuo ng isang Management, Scree-ning and Evaluation Committee (MSEC) sa mga kulu-ngan upang madetermina ang   mga patakaran at pamanta-yan ng pag-uugali upang ipagkaloob ang GCTA at kahalintulad ng mga pagkakaloob para sa pagsusumite bilang rekomendasyon sa mga pa-ngunahing BJMP authorities para sa pagsang-ayon.

May 39 na personnel ng Quezon City Jail ang umakto bilang Time-Allowance Supervisors na nag-evaluate ng working directive para baguhin ang mga aktibidad ng mga preso na maging karapat dapat sa kanila upang makuha ang GCTA kung saan ang nakuhang puntos ay maaaring maglaan para sa pagbaba ng parusa ng kanilang mga sistensya habang nakabinbin ang kanilang kaso sa korte.

Base sa rekord ng QCJ mula sa 2,466 nabigyan, 1,783 preso ay kabilang sa gang.

ANG

BUREAU OF CORRECTION

EVALUATION COMMITTEE

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

MALE DORMITORY

MATIAS

MGA

MICHELLE DULCE MATIAS

QUEZON CITY JAIL

REPUBLIC ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with