^

Metro

Dalagita, nangambang hindi makapag-kolehiyo, nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa walang kasiguruhan na makakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, winakasan ng isang dalagita ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Sa naantalang ulat na ipinadala sa Northern Police District, nakilala ang nasawi na si Shinette Mae Torejos, 16, estudyante, at residente ng Apartment Phase 3 F2 Kaunlaran Village, Brgy. 8 Dagat-Dagatan, ng naturang lungsod.

Nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi nang madiskubre ang nakabigting biktima ng kanyang Lola Gina Torejos sa loob ng bahay.

Agad na humingi ito ng saklolo sa mga opisyal ng barangay at isinugod ang biktima sa Pagamutang Bayan ng Malabon ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sa pagsusuri ng pulisya, plastic na tali na ipinulupot sa leeg at isinabit sa nakausling pako sa kanilang dingding ang ginamit ng biktima.

Sa imbestigasyon, posibleng dumanas ng depresyon ang biktima dahil sa kawalang kasiguruhan umano na makapagpatuloy ito ng pag-aaral sa kolehiyo.

ANG

APARTMENT PHASE

BRGY

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN

DAHIL

KAUNLARAN VILLAGE

LOLA GINA TOREJOS

NORTHERN POLICE DISTRICT

PAGAMUTANG BAYAN

SHINETTE MAE TOREJOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with