^

Metro

Kasong murder, frustrated murder ibinasura vs anak ng may-ari ng Ergo Cha milk tea house

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang walong bu­wang pagdinig, ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Maynila ang kasong murder at frustrated murder na inihain laban kay Lloyd Kevin Abrigo, ang anak ng may-ari ng Ergo Cha milk tea house  na naging sanhi ng pagkalason ng tatlo katao noong Abril.

Batay sa 9 na pahinang desisyon na may lagda ni Assistant City Prosecutor Dennis Aguila, nakasaad na bagamat nakikisimpatiya ang piskalya sa mga biktima hindi naman ito  maaaring pagbatayan sa kaso. 

Walang nakitang pro-bable cause o sapat na da­hilan para kasuhan si Abrigo, makaraang mabigo ang pamilya ng mga biktima na patunayang ang akusado nga ang naghalo ng toxic chemical sa inumin. 

Hindi rin napatunayan  na may  motibo si Lloyd  at sadyaing lasunin ang mga kostumer dahil hindi niya ito kilala, boluntaryong isinuko ni Abrigo ang kanyang sarili sa imbestigasyon maging ang mga ebidensya kabilang ang CCTV ng tindahan.

Kahit reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injury ay hindi pwedeng ikaso kay Abrigo. 

Matatandaang  dala­wa ang nasawi at isa ang na­ospital sa pag-inom ng Ergo Cha Milk tea noong umaga ng Abril 9, 2015  

Sa CCTV, nakitang bumili ng milktea ang magkasintahang sina Arnold Aydalla at Suzaine Dagohoy.

Inireklamo ni Dagohoy ang pangit na lasa ng milk tea kaya ito tinikman ni Aydalla. Kasunod nito ay ang pagbulagta ni Dagohoy. Namatay si  Dagohoy habang nakaligtas si Arnold nang gamutin sa ospital . 

Habang sa loob ng tindahan, tinikman din ng may-ari na si William Abrigo ang gina-wa niyang milk tea na dahilan ng kanya ring pagkamatay 

Sa pagsusuri ng food and drug administration sa natirang sample ng milk tea lumabas na nahaluan ito ng oxalic acid na kalimitang ginagamit na cleaning agent o panlinis ng bato, kahoy at bakal.

vuukle comment

ABRIGO

ABRIL

ACIRC

ANG

ARNOLD AYDALLA

ASSISTANT CITY PROSECUTOR DENNIS AGUILA

DAGOHOY

ERGO CHA

ERGO CHA MILK

LLOYD KEVIN ABRIGO

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with