^

Metro

Paglilinis sa Mabuhay lanes, tatagal hanggang Hunyo 2016

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang paglilinis sa mga itinalagang alternate route o Mabuhay lanes sa buong Metro Manila ay magpapa-tuloy hanggang sa matapos ang term ng kasalukuyang administrasyon sa June 30 ng susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet at traffic czar Jose Rene Almendras kasabay nang pagsasabing sinisiguro nila na ipapatupad ang ‘no par-king’ sa Mabuhay lanes at  sa iba pang lansangan o lanes na kanilang ia-identify.

“Kailangan nating ma-bawi ang lansangan na  isang pangunahing solus­yon para magluwag ang trapiko’’, dagdag pa ni Almen­dras.

Samantala, asahan na­-man ang mabigat na trapiko dahil sa mas maraming dry-run na  isasaga­wa ang pamahalaan para sa preparasyon ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na ga­ga­napin sa bansa simula Nob­yembre 17 hanggang 20, 2015 ng APEC.

Bukod sa maraming isa­sagawang dry-run ang gobyerno, nakalatag na rin ang contingency plan para sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad at pagmamantina ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

 Bukas araw ng Sabado (Nobyembre 14), magka­ka­roon ng major dry-run simula alas-7:00 ng umaga kasama dito ang pagpa-practice ng mga convoy patu-ngong mga hotel at lugar na pagdadausan ng APEC.

Posible aniyang isa­rado ang malaking bahagi ng EDSA patungong major thoroughfare sa Linggo (Nobyembre 15) sa loob ng 30 minuto upang i-practice ang pagbibigay daan sa mga VIP o ang mga head of states ng APEC.

Kung kaya’t ayon sa ilang motorista, matinding kal-baryo na naman ang kanilang mararanasan dahil dito.

ACIRC

ALMEN

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BUKAS

JOSE RENE ALMENDRAS

MABUHAY

METRO MANILA

NBSP

NOBYEMBRE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with