^

Metro

P5.5-M ayuda sa nasalanta ni ‘Lando’ aprub sa konseho

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Konseho ng Maynila ang pagbibigay ng P5.5 milyong ayuda sa mga  nasalanta ng bagyong  Lando sa ilang bayan sa  lalawigan ng Nueva Ecija noong Oktubre 17, 2015.

Sa ipinasang resolution­ ng konseho ng Maynila sa pa­ngunguna ni Manila Vice  Mayor at Presiding Officer Isko Moreno, inaprubahan­ ang kahilingan ni Manila Ma­yor Joseph Estrada ng pag­bibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Lando.

Miyerkules nang perso­nal­ na ibigay ni Moreno ang P3,000,000 ayuda ang  lalawigan ng Nueva Ecija samantalang P2,000,000 sa Cabanatuan City at P500,000 sa Munisipalidad ng  Bongabon.

Nabatid na sa ilalim ng  Section 21 ng RA 10121, bi­nibigyan nito ng kapangya­rihan ang konseho para sa  nasabing tulong sa naturang lalawigan.

Manggagaling sa pondo ng Local Disaster Risk Reduction Management o calamity fund ang assistance na ibibigay sa Nueva Ecija, Cabanatuan City at Munisipalidad ng Bongabon.

Oktubre 22, 2015 nang  sumulat si Atty. Edward Se­rapio, Secretary to the Mayor sa  konseho para sa  pag­lalaan ng relief assistance sa mga nabanggit na lugar.

ACIRC

BONGABON

CABANATUAN CITY

EDWARD SE

JOSEPH ESTRADA

LANDO

LOCAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT

MANILA MA

NBSP

NUEVA ECIJA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with