^

Metro

3 utas sa pamamaril sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi habang isa pa ang kritikal nang walang habas na ma­maril ang isang hindi nakila­lang lalaki, Linggo ng ma­daling-araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang sina Redentor Guz­man, 40, factory worker­; Mark Anthony Morales, 33, jeepney driver; at isang nakilala lamang sa alyas Charlie. Ginagamot rin sa natu­rang pagamutan ang 21-an­yos na si Christopher Afan.

Sa inisyal na ulat ng Ca­loocan City Police, umiinom ng beer sa tapat ng isang tindahan sa may Phase 6 Kiko, Camarin, si Guzman habang nakatambay naman­ doon sina Afan at alyas Charlie nang dumating ang salarin.

Agad na pinagbabaril ng suspect ang tatlong biktima ngunit sa kanyang pagtakas ay nakasalubong si Morales na sakay ng isang motor­siklo kaya pinagbabaril rin ng gunman.

Matagumpay na nakatakas ang salarin. Narekober sa lugar ng krimen ang dalawang slug ng hindi pa matiyak na kalibre ng baril.

Patuloy namang inaalam ng mga imbestigador kung sino talaga ang target ng killer­ at ang motibo sa naturang krimen. Maari rin umanong thrill-killer ang nasabing suspect.

ACIRC

AFAN

ANG

CALOOCAN CITY

CHRISTOPHER AFAN

CITY POLICE

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

GINAGAMOT

MARK ANTHONY MORALES

REDENTOR GUZ

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with