Sidewalk vendors paaalisin ng HPG sa EDSA
MANILA, Philippines — Upang lalong gumand ang daloy ng trapiko sa EDSA, natakdang linisin ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (HPG) ang mga bangketa.
Ito ang isa sa mga hakbang ng HPG upang maiwasan na sa kalsada nag hihintay ng masasakyan ang mga pasahero.
"Sidewalks should be cleared 1.5 meters from the edge... for pedestrians, for everyone. Give us a few more days," pahayag ni HPG Spokesperson Supt. Oliver Tanseco sa kaniyang panayam sa Headstart ng ABS-CBN News Channel.
Sinuportahan naman ito ng National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) na naglalayong maisaalang-alang ang kapakanan ng mga pasahero.
"The vendors have to learn that there are laws on the land, that we should impose order and with that order and discipline," wika ni NCCSP President Elvira Medina.
Sinabi pa ni Medina na kailangang gawin din ng mga pasahero ang kanilang parte upang maresolba ang problema sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
"We cannot forever depend on enforcers. In any development program, the enforcement is in the end point.”
Ngayong Lunes sinimulan ang pagbabalik ng HPG sa EDSA upang manduhan ang daloy ng trapiko.
Tinutukan ng mga pulis ang ilang chokepoints sa EDSA tuald ng Cubao, Ortigas at Shaw boulevard.
Inaasahang bahagyang aayos ang daloy ng trapiko sa kalsada sa pagdating ng HPG na pinalitan ang mga kawani ng MMDA.
- Latest