Biyahe naman ng LRT-2, nagka-aberya
MANILA, Philippines - Matapos ang mga aberya sa MRT-3, ang biyahe naman ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) ang nagkaroon ng aberya, kahapon ng umaga.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nagkaroon ng technical problem ang isa sa mga bagon ng LRT-2 sa pagitan ng Pureza at Legarda Station sa Maynila dakong alas-7:18 ng umaga.
Umabot ng 20 minuto ang aberya bago tuluyang naibalik sa normal ang operasyon ng LRT-2 na ikinainis ng maraming pasahero.
Agad naman humingi ng pang-unawa at paumanhin si Cabrera sa mga naapektuhang pasahero dahil sa idinulot na abala ng naganap na aberya. Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay ng rota sa Recto Avenue sa Maynila patungo ng Barangay Santolan sa Pasig City. (Mer Layson)
- Latest