^

Metro

Pagsasama ng brown rice sa menu sa mga kainan sa QC, ipatutupad na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipapatupad na sa lahat ng mga restaurant o kainan sa Quezon City na maisama sa kanilang menu ang paghahain ng masustansiyang brown rice.

Ito ay makaraang aprubahan ng QC Council ang pa­nukalang resolusyon ni Councilor Estrella Valmocina na layuning­ mahikayat ang publiko na kumain ng brown rice upang higit na mapangalagaan ang kalusugan ng  mamamayan laluna ng mga taga-lungsod mula sa pagkain ng masustansiyang kanin.

Sinasabing bago ito ay may nauna nang resolusyon na kahalintulad nito si Councilor Ramon Medalla na humi­hiling sa lahat ng major food establishments na maisama ang organic unpolished brown rice  sa kanilang  menu.

Ang naturang mga resolusyon ay alinsunod naman  sa Presidential Proclamation No. 494  na nagdeklara noong taong  2013  bilang National Year of Rice (NYR). Ang prok­lamasyon para rito ay nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino noong Oktubre ng nagdaang taon.

Base sa pag-aaral, ang pagkain ng unpolished brown rice ay may malaking tulong sa digestion at regular elimi­nation ng body wastes.

Gusto rin ni QC Mayor Herbert Bautista na ipatupad ang pagpapakain ng brown rice sa mga QC health offices  at mga paaralan sa lungsod upang sa pamamagitan ng  NYR campaign ay maprotektahan ang kalusugan ng mga mag- aaral at health workers.

COUNCILOR ESTRELLA VALMOCINA

COUNCILOR RAMON MEDALLA

IPAPATUPAD

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NATIONAL YEAR OF RICE

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with