Sunog sa Pasig: 1 sugatan
MANILA, Philippines - Isang katao ang sugatan habang 40-pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na tumupok sa tinatayang may 20 kabahayan sa isang residential area sa Barangay Santolan sa Pasig City nitong Sabado ng madaling araw, kahihinto pa lamang ng ulan na dulot ng habagat na hinila ni bagyong Mario.
Ang nasugatan ay nakilalang si Lex Nahil, na nagtamo ng first degree sa kanang paa at kaagad na isinugod sa Quirino Memorial Medical Center.
Batay sa ulat ng Pasig Fire Department, dakong alas-4:56 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa Doroteo St. sa Brgy. Santolan.
Umabot ang apoy sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula ganap na alas-6:10 ng umaga.
May 20-kabahayan ang natupok sa sunog habang isang residente ang sinasabing bahagyang nasugatan dahil sa insidente ngunit hindi pa nakuha ang pangalan nito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong naiwanang kandila ang pinagmulan ng sunog ngunit iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente. (Mer Layson)
- Latest