Tapos ng baha, bundok ng basura
MANILA, Philippines - Magiging sakit na naman ng ulo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang iniwang tambak ng basura ng bagyong Mario sa Kalakhang Maynila.
Nabatid na trak-trak ng basura ang inanod sa Manila Bay sa kahabaan ng Roxas Boulevard malapit sa U.S. Embassy simula noong Biyernes hanggang kahapon.
Nag-agawan naman ang mga magbabasura sa napadpad na mga plastic, styropor at iba pang basura. Itinulak din ng malalaking alon at nailapit sa breakwater ang luma at sira-sirang barko na M/V Captain UFUK Panama.
Nakatakda naman magsagawa ng clearing operation ang MMDA katuwang ang pamahalaang local ng Maynila. (Lordeth Bonilla)
- Latest