Pagiging lookout ng guidance counselor itinanggi
MANILA, Philippines - Itinanggi ng pamunuan ng Good Samaritan Colleges ang paratang ng isang estudyante na nagsilbing lookout ang kanilang guidance counselor sa pananakit ng magulang ng kanyang kaklase sa loob ng comfort room noong Hunyo 24.
Sa sulat na ipinadala ng paaralan sa pamamagitan ng kanilang legal counsel, na si Atty. Jobby Emata, pinasisinungalingan nito ang paratang ng estudyante na itinago sa pangalang “Anna” sa guidance counselor na si Ruth Untalan at sa halip ay paninira lamang anya ito sa pamunuan ng paaralan.
Subalit ang paratang ni “Anna” ay pinapatotohanan ng CCTV at maging ng police at medical reports.
Hulyo 6 nang magtungo ang mamamahayag na sa nasabing paaralan upang kunin ang kanilang panig subalit ayon sa security guard ay walang makakausap ng araw na iyon.
Tumawag ang mamamahayag noong Agosto 18 sa naturang paaralan kung saan nakausap din si Untalan subalit tumanggi na itong magbigay ng kanyang pahayag sa isyu.
- Latest