^

Metro

Mayor Bistek nag-sorry sa pananampal sa suspect na Chinese

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin kahapon si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa ginawang pananampal sa isang Intsik na  nahulihan ng shabu sa isinagawang drug operation sa lungsod.

“Gusto ko talagang mag-apologize dahil hindi naman talaga ako ’yan, that is not my character, it’s just that, bago magpa-interview, bigla siyang nag-pose sa likod ko, nabigla ako, and at first I was scared, kinalma ko na lang muna sarili ko, then I realized na binabastos niya ang authorities ng bansa natin, even the laws,” paliwanag ni Bautista.

Ang paghingi ng paumanhin ni Bautista ay ginawa bilang reaksiyon sa pag-alma ni CHR Chair Etta Rosales hinggil  sa ginawang pananakit ng una  sa  Chinese national na nakilalang si Xu Zhen Zhi.

Sinasabing nadismaya si Bautista nang magbingi-bingihan ang dayuhan nang ito ay paulit-ulit na tanungin ng alkalde kung  saan nito nakuha ang mga illegal drugs.

“I’m sorry Ma’am Etta, hindi talaga ako ganoong tao, hindi ako nananakit, hindi lang ako nakapagtimpi kasi talagang hindi maganda ang kanyang inasal sa atin. Masama ang loob ko kasi hindi naman talaga ako nananakit ng tao, but hindi ko napigilan ang sarili ko,” dagdag ni Bautista.

Sinasabing nagpunta si Bautista  sa may  Philcoa matapos mahulihan ng mga pulis ang naturang dayuhan ng 10 kilo ng shabu na may halagang P15 milyon.

AKO

BAUTISTA

CHAIR ETTA ROSALES

ETTA

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

SINASABING

XU ZHEN ZHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with