^

Metro

Habang pinuputol ang mga punong winasak ni ‘Glenda:’ Obrero hulog sa gusali, lasog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 58-anyos na laborer  nang mahulog habang nagpuputol ng mga sanga ng mangga na sinalanta ng bagyong Glenda, mula sa 20 talampakang taas ng gusali sa Malate, Maynila, kama­kalawa.

Idineklarang patay sa Ospital ng Maynila (OSMA) dakong alas-5:00 ng hapon ang biktimang si Ruben Beraquit, ng Marinig, Cabuyao, Laguna, nang  mahulog mula sa roof­top ng United Metho­dist Mission House sa  J. Bocobo St., Malate.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:30 ng umaga  nang umakyat ang biktima at ilang kasamahang laborer sa bubungan ng nasabing gusali upang pagpuputulin ang mga nasirang sanga ng puno ng mangga.

Isang paa ng biktima ang nakatapak sa bubong habang ang isa ay naka­tapak umano sa sanga nang biglang mawalan ng ba­lanse at biglang bumulusok.

Una ang ulo nang bumagsak sa konkretong kalsada ang biktima.

Naisugod naman ka­agad ito sa pagamutan pero hindi na rin naisalba ang buhay dahil sa matin­ding pinsalang tinamo.

BOCOBO ST.

CABUYAO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

MISSION HOUSE

RUBEN BERAQUIT

SHY

UNITED METHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with