Billboards kokontrolin sa Makati
MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pinasang ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Makati kaugnay sa pagkokontrol sa ilalagay na mga billboard at signages sa mga lansangan sa lungsod.
Naniniwala si MMDA Chairman Francis Tolentino, na kaligtasan pa rin ng publiko ang dapat na isaalang-alang lalong-lalu na sa panahon ng may kalamidad kung kaya’t ang paglalagay ng mga billboards at signages sa lansangan ay dapat may mga itatakda nang regulasyon.
Sa bagong inaprubahang City Ordinance No. 2013-A-044 ng Makati City Council, ay nagtatakda ito ng alituntunin kaugnay sa sapat na laki, taas at lokasyon ng mga ilalagay na billboards at signages.
Bukod sa nagbibigay na rin ito ng legal na basehan sa lungsod upang baklasin ang mga billboards at signages na makikitang nagdudulot ng panganib sa residente ng lungsod at sa publiko sa kabuuan.
- Latest