Lasalista patay sa hazing, 3 kritikal
MANILA, Philippines - Isang estudyante ng De La Salle-College of St. Benilde ang patay habang tatlo pa ang kritikal matapos sumailalim sa umano’y hazing at iuwi sa condominium ng isa sa mga biktima kamakalawa ng gabi sa Taft Avenue, Maynila.
Kinilala ni PO2 Michael G. Maraggun ng MPD Homicide Division ang namatay na si Guillo Cesar Servando, 18, 2nd year HRM student sa DLSU-CSB at residente ng No. 8809 Sampaloc St., San Antonio Village Makati City habang sugatan naman sina John Paul Raval, 18, anak ng may-ari ng Unit 2907 sa 29th floor ng One Archer’s Place sa no. 2311 Castro St. corner Taft Ave., Manila; Levin Roland Flores, 17, ng Vista Verde, Bgy. San Isidro, Cainta, Rizal at Lorenze Agustin, 18, ng NLK4 Unit 402 Prime City, St. Paul Road Bgy.San Antonio Makati City. Ang apat na estudyante ay tadtad ng pasa sa likod at hita.
Ayon kay Maraggun, 9:30 ng gabi nang umuwi ang mga biktima at makalipas ang isa’t kalahating oras ay dumating ang isang ambulansiya ng Philippine Red Cross dahil umano sa paghingi ng responde ng mga occupants ng nasabing condo unit sa Patrol 117.
Agad na tinawagan ng guwardiya ang unit ng condominium kung saan nalaman na isa sa mga biktima ang hindi na humihinga. Dito na pinaakyat ng guwardiya ang PRC.
Unang inakala ng guwardiya na mga lasing lamang ang apat dahil sa pasuray-suray na lakad ng mga ito.
Bago ang insidente, alas-5:30 ng hapon noong Sabado, sinundo sina Servando, Raval, Flores at Agustin ng isang lalaki na kinilala lamang sa alyas na Aircon, miyembro at secretary ng Alpha Kappar roho Fraternity ng University of Sto. Tomas, sa harap ng isang fastfood chain sa tabi ng DLSU sa Taft Ave., Maynila.
Pagkasakay umano ng apat na estudyante sa isang kulay berdeng Honda CRV, ay piniringan na umano ni Aircon ang mga kasama ng mata ng apat na estudyante saka dinala sa hindi natukoy na lugar kung saan isinailalim sa initiation rites.
Ayon naman kay Sr. Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD-Homicide Division nagsasagawa sila ngayon ng follow-up operation upang matukoy kung totoo ang mga pangalan ng mga taong naghatid sa mga biktima sa condominium.
Naka-log book umano ang mga pangalang Trex Garcia at Hans Tamaring kasama ang ilan pang kalalakihan na naghatid sa mga biktima sa condominium.
Sinabi ni Casimiro na hindi pa rin nila tukoy ngayon ang lugar na pinagganapan ng initiation rites. ?? ?
Nabatid kay Casimiro na ang fraternity na sinalihan ng mga biktima ay Alpha Kappa Rho (AKRHO). Wala pang pahayag ang grupo ukol sa nangyari.??
Subalit ayon sa isa sa kaanak ng mga biktima, sinasabing wala namang chapter ang AKRHO sa CSB.?? Sinasabing ang pinakamalapit na chapter ng grupo ay nasa UST. ??Lumalabas na malabong mapasama ang apat na taga-St. Benilde kung walang miyembro ang naturang frat sa mismong kolehiyo na siyang magre-recruit dito.
Inamin din ni Casimiro, na nahihirapan silang kumalap ng impormasyon sa insidente dahil sa pagtanggi ng pamilya ng mga sugatang biktima na magbigay impormasyon. Mahalaga anya ang pahayag ng tatlo para matukoy ang dapat managot.??
Kinunan na ng pahayag ang mga guwardya ng condo at sinusubukan na ring makakuha ng closed circuit television (CCTV) footage sa fastfood chain malapit sa CSB.?? Ito’y sakaling nahagip ang plaka ng sasakyang ginamit sa paghatid sa mga biktima at ma-trace ang may-ari nito. ??
Kaugnay nito, isang “General Raval” ang sinasabing may-ari ng unit.??
Hindi naman makumpirma ng MPD kung nailabas na ang tatlo mula sa PGH at maging ang kondisyon ng mga ito kung iniuwi o inilipat ng ospital ang mga ito.
- Latest