Naghamon ng away, utas sa parak
MANILA, Philippines - Bulagta ang isang lalaki na hinihinalang nasa impluwensya ng iligal na droga matapos na magwala at makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis kahapon ng madaling-araw sa MaÂlabon City.
Agad na nasawi dahil sa tama ng bala ng baril sa leeg at katawan ang 24-anyos na si Ceferino Sanoy, Jr., residente ng Gozon Complex, Letre, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.
Isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa katawan ang pulis na si PO3 Raul Salazar, nakatalaga sa Malabon City Police.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:05 ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag sa mga residente ng Gozon Complex ukol sa pagwawala ni Sanoy na armado ng isang sumpak at naghaÂhamon ng barilan sa sinumang matapang sa lugar.
Rumesponde naman sa lugar ang mga pulis ngunit pagdating pa lamang ay agad na nitong pinaputukan ang mga alagad ng batas sanhi upang tamaan ng bala si Salazar. Nakaganti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan si Sanoy.
Kahit na may tama na ng bala, nagawa pang makaÂtalon sa katabing creek na puno ng burak ang suspek kung saan dito ito nalagutan ng hininga.
Inaalam naman ng pulisya ang sanhi ng pagwawala ni Sanoy na posibleng nasa impluwensya umano ng iligal na droga o alak.
- Latest