^

Metro

Habang dadalo sa hearing witness sa krimen, patay sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na umabot sa korte para tumestigo laban sa pumatay umano sa kanyang kapatid ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem­ habang ang una ay sakay ng isang pampasaherong jeepney kasama ang kanyang nanay sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Si Miguel Garcia, ng Mariposa St., Brgy Gulod ay nagawa pang maitakbo sa ospital, pero idineklara rin itong dead-on-arrival, ayon sa Quezon City Police Station 3.

Si Garcia ay tinambangan sa harap ng kanyang nanay na si Estrelita Garcia, habang sakay ng isang pampasaherong jeepney sa panulukan ng J.P. Ramoy, corner Quirino Highway, Brgy. Talipapa, ganap na alas-9:15 ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon ng pulisya,  papunta ang biktima  sa korte sa Caloocan City para tumestigo laban sa isang pulis na umano’y pumatay sa kanyang kapatid.

Habang bumibiyahe ay doon sumulpot   ang isang motorsiklo sakay ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek, habang ang bik­tima naman ay isinugod sa Bernardino hospital pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

BERNARDINO

BRGY GULOD

CALOOCAN CITY

ESTRELITA GARCIA

MARIPOSA ST.

QUEZON CITY POLICE STATION

QUIRINO HIGHWAY

SI GARCIA

SI MIGUEL GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with