^

Metro

Sabungero sinapak ng pulis-Crame

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang beteranong pulis na nakatalaga sa Camp Crame makaraang ireklamo ng 69-anyos na sabungero ng pananapak sa tupadahan sa Port Area,  Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Sa salaysay sa Manila Police District-General Assignment Section ng biktimang si Ricardo Buquel Y Sedano ng #149 –B 1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, halos bumaon na ang suot niyang eyeglass nang sapakin ng suspek na si SPO1 Gabriel Pacsa na nakatalaga sa Highway Patrol Group sa Camp Crame sa Quezon City at kapitbahay ng biktima.

Base sa police report, naganap ang insidente bandang alas-12:20 ng hapon  habang abala ang biktima sa panonood ng sabong nang biglang tumalon mula sa bakod ang suspek dahil upang matakpan nito ang panonood ng biktima.

Gayon pa man, hinawi ng biktima at pinatatabi dahil hindi niya makita ang sabong subalit hindi pinansin ng suspek at nang matapos ang sabong ay biglang hinarap nito ang matanda sabay sapak.

 

BASECO COMPOUND

CAMP CRAME

GABRIEL PACSA

GASANGAN

HIGHWAY PATROL GROUP

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

PORT AREA

QUEZON CITY

RICARDO BUQUEL Y SEDANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with