John, nagalit sa fake news sa kanila ni Barbie!
Pumalag ang FPJ’s Batang Quiapo actor na si John Estrada sa intriga tungkol sa kanila ng aktres na si Barbie Imperial.
Nag-post ito sa kanyang social media account kung saan nilagyan niya ng malaking “fake news” ang screenshot ng balitang nag-uugnay sa kanila ng rumored girlfriend ni Richard Gutierrez.
Hindi raw niya alam kung kanino at saan nagsimula ang kalokohang iyon na nagli-link sa kanila ni Barbie.
Pinaliwanag niya sa caption na hindi raw niya ito kilala sa personal level pero kilala niya ito bilang artista.
Sa talambuhay raw niya ay minsan lang daw niya ito nakita sa Christmas Special ng ABS-CBN noong taong 2021 o 2022 at iyon na raw ang huli nilang pagkikita sa naaalala niya.
Totoo raw na magkasama sila sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin na Batang Quiapo pero ni minsan daw ay hindi sila nagkita dahil iba ang grupo, unit at director nito.
Kaya mensahe niya sa nagkakalat ng fake news na ito ay puwede na raw itong maging komedyante.
Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga online newspaper, tabloid or tsismis sites, ay mag-research daw muna at siguruhing tama ang ibabalita.
At sa huli ay binati nito ang lahat ng happy new year.
Marami nga kasi ang napapaniwala sa fake news at kasama na nga roon ang pagkaka-link sa kanila ng aktres.
Meron pang dinadamay ang pangalan ni Richard at sinabing pinagseselosan nito si John.
‘Kaloka.
Better, healthier, stronger 2025’
Imagine na 1st Sunday ng 2025 kahapon. Ganun kabilis ang panahon.
Always remember na ang dumaan ang oras at araw na hindi na puwedeng ibalik kaya make the most of the time given to you.
Sometimes I feel guilty ‘pag pinalilipas ko ang buong araw ko nang nakahiga lang at nanonood ng TV. Hindi gaya ng dati na bawat oras meron akong ginagawa.
Wala na kasi akong mental challenge at talagang too lazy to think of what I will do with my time. Kung minsan pa I feel sick kaya lazy feeling.
Ewan ko kung dala ng edad o talagang inabot na rin ako ng katamaran kaya ganun. Twice a week pa rin ang dialysis ko at talagang malaking boredom sa akin ang apat na oras na session a day na twice a week.
May good at bad dialysis day kaya depende sa mood kung kaya mong rumampa after. But mostly, pahinga ako after. Talagang at my age I have the luxury to just laze around, having seen that, done that.
Even the luxury of traveling kinatamaran ko na rin kaya nakatago na ang passport ko at maleta. Now my days are spent watching TV, sleeping, playing with my favorite Jokjok, my loyal dog. Ngayon ko nga na-discover na ang dami palang new stars na hindi ko na kilala ‘yung iba.
I am just waiting for what will come next in my life, pero alam ko na hindi ako bibigyan ng heaven ng hindi ko kayang dalhin.
So 2025 will be better, healthier, stronger. Thank God, bongga.
- Latest