Singer, kinuha ang mga sikat na kanta sa recording company na nagbenta ng library
IBINENTA pala ng isang recording company ang library ng ilan nitong kanta sa ibang recording company.
Maraming sikat na kantang nakapaloob sa library nito kaya naman mabilis ang kasunduan upang mabili ito.
Pero nang mabalitaan ito ng isang sikat na female singer na may mga hit na nakapaloob sa library ng una niyang studio, agad niyang pinul out ang kanta niya at hindi niya ito isinama!
Magsasariling kumpanya na lang ang female singer dahil siya ang lumikha ng mga ito at natural lang na anihin lang niya ang itinanim niya sa career niya bilang singer, huh!
Bambbi Fuentes, maraming nahasang talent
PILING-PILI, hinasa nang husto ang talents, dinamitan, at iba pa ang Dragon Babies na artists ng management nina Bambbi Fuentes at Tine Areola nung pandemic days!
Nakagawa ng movies, kanta, concert, at iba pang performances ang members ng grupo na talaga namang puwede nang isabak sa lahat ng field sa showbiz, huh!
Ang individual members ng grupo na ipinakilala sa media last Sunday ay sina Khai Flores, Shira Tweg, Jace Eusebio, RJ Enzo, Jay Montero, at mga grupong Irizz at Gandaras!
May movies pa nakaabang sa Dragon Babies pero ang most memorable ay ang advocacy film nitong Sugat sa Dugo kung saan nagwagi ng awards si Janice de Belen at baguhang sina Shira at Khai.
Of course, legend na sa pagiging beuty guru ni Bambbi kaya alam niya kung sino ang taong puwedeng sumikat bilang next generation of stars sa showbiz!
Congratulations, Dragon Babies and also to Bambbi and Tine!!!
- Latest