^

Metro

Brgy. Chairman na nagbaril namatay na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang barangay chairman na nagbaril noong Huwebes sa sarili matapos na hindi makaya ang operasyon na isinagawa sa kanya, kahapon ng umaga sa University of Santo Tomas Hospital, Sampaloc, Maynila.


Dinala sa Camp Crame PNP Crime Laboratory para doon ipaawtopsiya ang bangkay ni 
Nestor Lacap, 58, ng Brgy. 509 Zone 50,  residente ng #1216 E. Quintos St., Sampaloc.
 

Una nang natagpuang duguan ang biktima sa loob ng kanyang tanggapan sa barangay hall dakong alas-11:20 noong Mayo 22. Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng MPD-PS 4, unang nadiskubre si Lacap ng isang Ponching Flores nang sumilip siya sa loob ng barangay hall at nakita niya na may dugo sa lapag at nakaupo sa silya ang biktima na duguan katabi ang ginamit na baril.


Bunsod nito, sinabi ni Flores kay Maura Pascual ang nakita at nang sumilip din siya ay nakita ang duguang biktima kaya nagsisigaw ito at humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng  pulisya kung may  foul play na naganap.

 

vuukle comment

BRGY

BUNSOD

CAMP CRAME

CRIME LABORATORY

DINALA

MAURA PASCUAL

NESTOR LACAP

PONCHING FLORES

QUINTOS ST.

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with