^

Metro

6-anyos hinostage ng solvent boy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na lalaking adik o tinaguriang ‘solvent boy’ ang nang-hostage sa isang 6-anyos na batang lalaki sa Binondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Gayunman, ilang minuto lamang nagtagal ang hostage- drama dahil hawak na  ng mga traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang hindi tinukoy na pangalan ng suspek, na sinasabing pakalat-kalat lang sa kalye at palengke sa Juan Luna St., Binondo, Maynila, nang maganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon.

Hindi na rin nagbigay ng pag­­kilanlan ang ama ng biktima na tauhan ng MTPB at hindi na rin nagsampa ng reklamo kaugnay sa pangho-hostage sa kanyang anak. Nabatid na isinama ng ama ang anak sa pagdu-duty sa Binondo upang ipatule sa Manila City Hall clinic kahapon.

Ayon kay SPO1 Mirasol Espiritu, ng Manila Police District-Station 11, Women and Children’s Protection Desk, nagwala umano ang suspek sa nasabing kalye at nang sitahin at tangkaing arestuhin ay lalong nagwala at umupo sa gilid ng bangketa.

Eksakto namang nakatayo ang biktima na naghihintay sa kanyang ama nang maganap ang komosyon. Biglang hinab­lot at niyakap ng suspek na nagwawala kaya napilitang pag­babatukan at sabunutan ang suspek upang makawala ang bata.

Sa presinto, nagpasya umano ang ama ng biktima na huwag nang kasuhan ang suspek, na ini-release na rin ng mga pulis dahil sa kawalan ng pormal na reklamo.

vuukle comment

BINONDO

JUAN LUNA ST.

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

MIRASOL ESPIRITU

PROTECTION DESK

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with