Kontraktor ng Skyway 3, sinermunan ng MMDA
MANILA, Philippines - Sinermunan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang kontraktor ng Skyway 3 project dahil lumabag umano ito sa kanilang napagkasunduan bago pa man pasimulan ang naturang proyekto na may kinalaman pa pagsasaayos ng daloy ng trapiko.
Ito ay matapos na unti-unti nang ulanin ng reklamo at batikos ang MMDA mula sa mga naapektuhan ng Skyway project.
Matatandaan, na nagsimula ang konsÂtrukÂÂsiyon ng proyekto sa bahagi ng Osmeña Highway noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Tolentino, malinaw ang kanilang kasunduan sa kontraktor na bukod sa paglalagay ng traffic signages sa construction site na magsislbing gabay ng mga motorista, kailaÂngan din magkabit ng CCTV camera sa Osmeña Highway.
Inoobliga rin nilang magtalaga ang Skyway ng spokesperson nito at public information center sa construction site na maaring pagtanungan ng publiko.
Hindi umano sinunod ng Skyway management at kontraktor nito ang napagkasunduan nila ng MMDA dahilan upang ipatawag at sermunan ang mga ito.
Nangako naman ang Skyway management at kontraktor nito na tutuparin nila ang napagkasunduan ng MMDA.
Una nang sinabi ni Tolentino, na hindi man nila proyekto ang mga ginagawa ngunit sila ang inuulan ng batikos ng publiko kapag nakaranas ng matinding trapik kung kaya’t hinihingi nila ang tulong ng mga kontraktor ng naturang proyekto.
- Latest