^

Metro

20-anyos kritikal sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalung lumalala ang insi-dente ng motorcycle riding in tandem matapos na muling sumalakay ang mga ito nang bugbugin nila at pagbabarilin ang isang dalaga na nasa kritikal na kondisyon sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga bugbog at tama ng bala sa likod ang biktimang si Ahle Ocampo, 20, ng Reparo St., Bagong Barrio ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Harvey at Batik.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente
alas-4:00 ng madaling araw sa kahabaan ng De Jesus St., Bagong Barrio ng naturang lungsod.

Nabatid na naglalakad ang biktima nang hintuan ito ng mga suspek sakay ng motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Pinagtulungan munang gulpihin ng mga suspek ang biktima kung saan isa sa mga suspek ang bumaril sa dalaga habang nagsalita pa ang
isa ng “Tapusin mo na yan pre, Siguruduhin mo”, bago pinutukan.

Matapos ang insidente ay tumakas na ang mga suspek habang dinala naman sa naturang ospital ang biktima at inaalam na ng
pulisya ang motibo ng insi-dente.

AHLE OCAMPO

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DE JESUS ST.

INOOBSERBAHAN

LALUNG

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

REPARO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with