P1.3-B shabu nasamsam: 4 timbog
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 272 kilo ng shabu na pinaniniÂwaÂlaang nagkakahalaga ng P1.3-B ang nasamsam ng pulisya mula sa nadakip na apat na suspek sa isinagawang opeÂrasyon kahapon ng hapon sa Parañaque City.
Kinilala ang nadakip na sina Robert Tan; Oliver Tan; Mark June San Gabriel at Felino Lopez.
Nabatid sa Philippine NaÂtional Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at sa PDEA na isinagawa ang operaÂsyon ala-1:00 ng hapon sa Marina Bay, Parañaque City.
Napag-alaman na nakaÂlagay ang droga sa anim na kahong yari sa kahoy at sakay ng silver na Mitsubishi Adventure na may plakang WVI-579 kung kaya’t sinundan ito ng operatiba.
Sinasabing bago ito naÂkatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa ilegal na aktibidad ng mga suspectÂ.
Giit ng isa sa mga suspek na si Robert, binayaran siya ng P70,000 upang kunin ang mga kahon mula sa Sentosa at ibibiyahe niya sana patuÂngong Cavite.
- Latest