10-anyos na anak ng pulis nagsoli ng cellphone ng senior citizen
MANILA, Philippines — Nagpamalas ng kabutihan ang isang 10-anyos na batang lalaking anak ng isang pulis matapos nitong isoli ang napulot na cellphone sa mag-asawang senior citizen na may-ari nito sa Taguig City nitong Biyernes.
Ipinagmalaki ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/Brig. General Joseph Arguelles ang katapatan at pagiging mature na pag-iisip ng batang si Jhunrelle DC Tecson sa pagsisikap nito at ng inang si P/Colonel Jenny Tecson na maibalik ang cellphone sa may-ari na sina Mr. at Mrs. Sañada.
Alas-9:30 ng umaga ng Hunyo 13, nang magtungo ang mag-asawang senior citizens sa District Community Affairs and Development Division at nagpasalamat sa nabawing mobile phone.
Ayon kay Arguelles, napulot ng bata ang cellphone habang nag-iikot kasama ang pinsan, sa Bonifacio High Street, sa Global City, Taguig noong Abril 23, 2025 at ipinagtanong subalit walang nag-claim. Binuksan ang saved contact sa napulot na CP at ipinaalam na maaring makuha ito sa SPD.
Nang hindi pa rin na-claim, isang “Kuya Ambo” sa saved contacts ang tinawagan ni Col. Tecson , na isang family driver Sañada ang nangako na magpaparating ng impormasyon pero natagalan ito. Lumipas ang ilang linggo ay muling tinawagan ni Col Tecson si Kuya Ambo at ibinigay ang eksaktong address ng SPD at dito na nakuha ang nawawalang cellphone. Nagpasalamat naman ang mga ito sa bata at kay Tecson sa pagtungo sa SPD.
- Latest