300 PDLs sa Bilibid inilipat sa Sablayan
MANILA, Philippines — Umaabot sa 300 persons deprived of liberty (PDLs) o mga preso mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang inilipat na ng detention, ayon sa opisyal kahapon.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang nasabing mga inmates ay inilipat patungo sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Ayon kay Catapang, nasa 11,227 ang kabuuang bilang ng mga PDL na inilipat mula sa NBP patungo sa iba pang operating prison at penal farms ng ahensya.
Ang matagumpay na paglipat ng mga PDL ay naging posible dahil sa pinagsama-samang pagsisikap ng humigit-kumulang 100 Corrections Officers, kabilang ang mga miyembro mula sa Escort Unit, BuCor SWAT, at mga medical personnel.
Sinabi ni Catapang, ang kanilang pakikipagtulungan sa iba’t ibang entity tulad ng Philippine National Police (PNP) Muntinlupa, PNP Highway Patrol Group, at lokal na maritime at coast guard services ay nagsiguro ng maayos at ligtas na transisiyon.
Napakahalaga ng mga nasabing coordinated efforts, hindi lamang para sa kaligtasan ng mga PDL kundi para rin sa pagpapanatili ng kaayusan ng publiko sa mga operasyong ito, dagdag ni Catapang.
- Latest