Walang age limit sa traffic enforcers-MTPB
MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Traffic and Parking Bureau Director Carter Don Logica na walang age limit ang mga nais na sumabak sa training upang maging enforcers.
Gayunman, sinabi ni LoÂgica na pansamantala muna nilang itinigil ang recruitment dahil puno na ang slots at kailangan pa munang ayusin kung saan –saan dapat na italaga ang mga katatapos pa lamang magtraining.
Ayon kay Logica, sinuman ay maaaring sumailalim sa training dahil ito naman ang magdedetermina kung dapat na tanggapin ang mga ito bilang enforcers.
“Ang panuntunan naÂmin, basta pumasa sa training tatanggapinâ€, ani Logica.
Ang reaksiyon ni Logica ay bunsod na rin ng reklamo ng mga nais na magtraining na may bagong paiiraling patakaran kung saan paiiralin ang age limit na 40.
Nangangahulugan lamang ito na ang mga nasa edad 41 pataas ay hindi na tatanggapin pa.
Subalit ayon naman kay Manila District Traffic Enforcement Unit chief, Chief Insp. Olivia Sagaysay rekomendasyon pa lamang ito.
Aniya, nangangamba umaÂno siya na hindi na kayanin pa ng mga may edad ang pagtatrapik sa ilalim ng init ng araw.
- Latest