Kahit nakayapak pwede sa LRT, pero hindi libre
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng taÂgaÂpagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na makakasakay sa kanilang mga tren ang mga deboto ng Itim na Nazareno kahit na pawang nakayapak ang mga ito.
Ngunit nilinaw ni LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera na hindi sila makapagbibigay ng libreng sakay sa mga deboto.
“Wala po libreng sakay sa LRT sa darating na Enero 9 sa Pista ng Itim na Nazareno,†ayon sa pahayag ni Cabrera sa kanyang Twitter account.
Inaasahan naman ng LRTA na lalong magkakaroon ng pagsisikip sa kanilang mga tren dahil sa pagÂdagsa ng higit sa 9 milyong deboto sa Quiapo, Maynila. Ginagawan na umano nila ng paraan para hindi magkaroon ng pagkaantala sa kanilang sistema.
Pinakiusapan naman ni Cabrera ang mga pasahero na huwag gumawa ng aksyon para bumagal ang opeÂrasyon tulad ng pagpigil sa pagsasara ng pintuan ng mga tren, pagtutulakan na nagdudulot ng aksidente, at pagpindot sa emergency button sa itaas ng pinto ng mga tren.
Bumibiyahe ang LRT Line 1 mula Roosevelt StaÂtion sa Quezon City hanggang Baclaran sa Parañaque habang ang LRT Line 2 ay mula Santolan sa Pasig City hanggang Recto Avenue sa Maynila.
Pinakamalapit sa Quiapo, Maynila ang mga istasyon ng LRT 1 ang Carriedo Station at Recto Station sa LRT 2.
- Latest