^

Metro

2 utas sa pamamaril ng tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi, habang apat naman ang malubhang nasu­gatan kabilang ang dalawang kababaihan matapos pagbabarilin ang mga ito ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Ma­labon City.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa Fatima Hospital ang mga biktima na sina Virgilio Marian­o, 56; at Samuel Pasto, 23, kapwa  taga-University Ave­nue, Brgy. Potrero ng naturang lungsod, nagtamo ang mga ito ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 baril.

Inooserbahan naman sa naturang paga­mutan ang apat na sugatang sina Jesusa Tan,  46;  Cecile Tupaz­, 31;  Rodrigo Mendoza, 50; at Teofilo Angeles Jr., 34, pawang mga residente ng naturang  lugar, nagtamo rin ang mga ito ng tama ng bala sa kani-kanilang katawan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Malabon City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng University Avenue, Brgy. Potrero ng naturang siyudad habang nagkukuwentuhan ang mga biktima nang biglang duma­ting ang  mga suspect sakay ng motorsiklo kung saan agad na pinaulanan ng bala ng baril ang mga una. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pamamaril at maging sa pagkakakilanlan sa mga salarin.

BRGY

CECILE TUPAZ

FATIMA HOSPITAL

JESUSA TAN

MALABON CITY POLICE

RODRIGO MENDOZA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with