^

Metro

Bagong Baclaran multimodal hub, itatayo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bagong Baclaran multimodal hub, itatayo
Pinangunahan nina MMDA Chairman Don Artes, Parañaque Mayor Edwin Olivarez, Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, at PRA Head Alexander Lopez  ang ground breaking ng Bagong Baclaran MultiModal and Market Hub Project malapit sa  LRT-1 Redemptorist-Aseana Station sa Parañaque City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinimulan na ang konstraksyon ng Bagong Baclaran Multimodal and Market Hub (BBMMH) na layong maibsan ang matinding pagsisikip ng trapiko at magbigay ng maayos na puwesto sa mga manininda sa Baclaran.

Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mga lokal na pamahalaan ng Parañaque at Pasay, at Philippine Reclamation Authority (PRA) ang groundbreaking ceremony ng proyekto.

Ang apat na palapag na hub ay magsisilbing sentro ng iba’t ibang uri ng transportasyon, kabilang ang LRT-1, mga bus, jeepney, taxi at bisikleta. ­Inaasahang matatapos ang unang palapag nito bago mag-Pasko sa 2027.

Aabot sa 2,000 manininda mula sa Parañaque at Pasay ang nakatakdang bigyan ng puwesto sa bagong pamilihan. Maglalaan din ng espasyo para sa Kadiwa Program upang maisulong ang direktang pagbebenta ng mga produkto ng magsasaka sa mga mamimili.

Ayon kina Parañaque Mayor Edwin Olivarez at Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano, malaking tulong ang proyekto sa mga manininda at mamimili, gayundin sa pag-unlad ng Baclaran. Lumagda rin ang MMDA, PRA at dalawang lungsod sa kasunduan para sa pagpapatupad ng proyekto.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with