^

Metro

Labanan ng mga politiko, matindi 10 barangay sa MM, nasa hotspot list

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampung ba­rangay sa Metro Manila ang inilagay sa “election­ hotspot list” ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) dahil sa init ng tung­galian ng mga lokal na politiko na tumatakbo ngayong darating na barangay elections.

Kabilang sa mga barangay na naka­sama sa talaan ang Barangay 503 sa Maynila; Barangay 587 sa Caloocan City; Ba­rangay Wawang Pulo sa Valenzuela City; Barangay Maharlika sa Taguig City; Ba­rangay Pineda sa Pasig City; Barangay Pio del Pilar sa Makati City; Barangay Sto. Domingo sa Quezon City; Barangay Catmon sa Malabon City; Barangay Navotas West; at Barangay North Bay Boulevard South sa Navotas City

Napabilang ang mga ito sa election watch­list o hotspots dahil sa mga beripi­kadong ulat na ma­tindi ang tunggalian ng mga kandidato.

Pinagbatayan din ang mga dati nang nangyaring karaha­san sa halalan sa mga nasabing lugar.

Una nang inilagay ng NCRPO sa “areas of im­mediate con­­ cern” ang 30 ba­rangay sa Metro Manila kung saan doble ang pu­wersa ng pulisya ang itatalaga.

Kamakailan, isang tumatakbong chairman sa isang ba­rangay sa Caloocan ang binaril at na­patay, habang pinagtangkaan din umanong saksakin ang aktres na si Angelika dela Cruz na tumatakbong chairman din sa Brgy. Longos­ sa Malabon.

BARANGAY

BARANGAY CATMON

BARANGAY MAHARLIKA

BARANGAY NAVOTAS WEST

BARANGAY NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

BARANGAY PIO

CITY

METRO MANILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with