^

Metro

3 mandurukot timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong ki­labot na mandurukot kabilang ang dalawang babae nang masakote ng mga pulis matapos biktimahin ang isang pampaherong jeep kahapon sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang mga sus­­pect na sina Freddie Casbadillo, 30, ng #1847 Goquio­lay St., Pasay City; Perlita Flores, 38, ng #405 Osmeña St., Brgy. 112 at Jannet Villa­nueva, 42, ng #401 B. Perla St., kapwa taga-Tondo, Manila.         

Sa report na natanggap ni  Chief Insp. Joselito Santa Teresa, hepe ng Special Ope­ration Unit (SOU) ng Pasay City Police, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga estudyante ng Pasay City West High School hinggil sa pandurukot ng mga suspect kahapon sa isang pampasaherong jeep.

Bilang aksyon ay nagsagawa ng operasyon ang mga pulis sa isang pampa­saherong jeep na may biyaheng Bacla­ran at FB Harrison at lantarang ipinakita ng es­tudyanteng nagpanggap na biktima ang kanyang pera habang nagbabayad ng pasahe sa driver ng jeep at ang isa sa mga suspect na si Flores ang bumitin sa estribo na armado ng ice pick.

Kusang inilawit ng umaktong biktima ang kanyang wallet sa kaliwang bulsa na unti-unti namang dinudukot ni Flores ang pera.

Matapos makuha ni Flores ang pera ay kaagad itong bumaba at sumunod dito ang dalawa pang suspect.

Dito na umaksiyon ang mga pulis at dinakip nila ang tatlo at pagdating ng mga ito sa himpilan ng Pasay City Police Headquarters ay na-recover ang wallet ng estudyante ng Pasay City West High School na nagpanggap na biktima.

 

CHIEF INSP

CITY

FREDDIE CASBADILLO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY WEST HIGH SCHOOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with