^

Metro

Kelot itinumba sa ilegal na droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sigalot  sa iligal na droga ang sinasabing motibo sa pamamaril at pagpaslang sa isang 25-anyos na lalaki ng mga hinihinalang miyembro ng sindikato na nag-ooperate sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi sanhi ng tinamong   tatlong tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Antonio Dela Cruz, ng  F. Victor St., ng naturang lungsod.

Isa sa tatlong tumakas na suspek naman ang nakilalang si Darwin Lapuz,  28, ng  Tramo St., Pasay.  Kilala umano ito na miyembro ng isang sindikato na nagpapakalat ng iligal na droga sa lungsod.

Sa ulat, nasa lamayan ang biktima dakong alas-9 ng gabi  nang isang lalaki ang lumapit at binulungan ito.

Nagtungo naman ang biktima sa may Leonardo St. ngunit pagsapit dito ay biglang sumulpot si Lapuz na armado ng kalibre .45 at agad na pinaputukan ito sa ulo ng malapitan.

Napag-alaman ng pulisya na may malaking pagkakautang umano ang biktima sa sindikato dahil sa hindi nito pagbabayad sa kinuhang iligal na droga na kanyang ibinenta.

vuukle comment

ANTONIO DELA CRUZ

DARWIN LAPUZ

ISA

KILALA

LAPUZ

LEONARDO ST.

PASAY CITY

TRAMO ST.

VICTOR ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with