^

Metro

P8.5 milyong marijuana hush nasamsam

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga awtoridad ang mga inabandonang pakete na naglalaman ng marijuana hust na tinatayang aabot sa mahigit P8.5 milyon sa operasyon sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report, nagkaroon ng joint operations ang mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at PNP AVSEGROUP para kunin ang illegal drugs matapos umanong alertuhin ng PDEA ang mga inabandonang pakete na naglalaman pala ng droga.

Ang mga parsel, na ipinadala mula sa iba’t ibang address sa Thailand, ay nakita sa X-ray screening na isinagawa ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).

Ang karagdagang inspeksyon gamit ang isang narcotic detection dog (K-9 “Magnus”) ay nakumpirma ang pagkakaroon ng ilegal na droga. Ang manu-manong inspeksyon ay nagsiwalat ng kabuuang 5,703 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakatago sa mga bagay na maling idineklara bilang tsaa, pinatuyong prutas, laruan, damit, at iba pang pang-araw-araw na gamit.

Samantalang ang mga kontrabando ay wastong namarkahan, nakuhanan ng larawan, at inimbentaryo sa presensya ng isang kinatawan ng media at isang opisyal ng barangay. Ang mga nasamsam ay itinurn-over sa PDEA para sa disposisyon at imbestigasyon.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with