COA hindi target ng pamamaril – QCPD
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Quezon City Police District (QCPD) na hindi ang Commission on Audit (COA) ang target ng pamamaril kung hindi naÂdamay lamang anya ito sa kinasasangkutang gulo ng ilang kalalakihan malapit sa nasabing lugar.
Ayon kay QCPD Criminal Investigation and Detection Unit head Chief Insp. Rodel Marcelo, ang ganitong anggulo ay nabatid matapos ang imbestigasyon sa mga pangunahing testigo na siyang nakakita sa aktuwal na pangyayari kung paano nadamay sa pamamaril ang tanggapan ng naturang komisyon.
Diumano, nakaroon ng linaw ang pangyayari dahil sa pahayag ng testigong si FranÂcisco Alcala, caretaker ng Magic 17 KTV bar na ang mga suspect sa pamamaril ay sakay ng isang motorsiklo ang target ay ang taong nakatayo sa harap ng bar.
Sa pamamagitan anya nito, malinaw na walang kinalaman ang COA sa insidente, bagkus isang away kalye ito na nadamay o tinamaan lamang ng stray bullet ang nasabing tanggapan.
Lumilitaw sa pagsisiyasat ng CIDU, base sa pahayag ni Alcala, alas-6 ng umaga nang sumulpot ang riding-in-tandem at bigla na lamang nagpaputok ng baril sa ere at patungo sa isang lalaki na naka-posisyon sa harap ng KTV bar. Matapos ang pamamaril ay biglang sumibat ang motorsiklo sa hindi mabatid na direksyon.
Dahil sa pagpapaputok, nadamay ang COA building hanggang sa matuklasang naÂbasag ang salamin sa ikalawang palapag, partikular ang tanggapan ni Director Nilda Plaras, hepe ng Chief Finance Department, at ikatlong palapag ng gusali ng COA, national Government Center na matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills sa lungsod.
Una nang napaulat na mismong ang tanggapan ng COA ang niratrat dahil sa isyu ng pork scam na pinalutang nito.
- Latest